Friday, June 10, 2011

western unyon. bullshit service,worldwide plasa edition.

kadalasan pag nasa labas ako,me sarili akong mundo sa tulong ng ipod ko. wala akong pakialam sa mga kasama kong naglalakad o kahit ano mang suot ng makakasalubong ko. hinde ko lang alam kung bakit ang bilis ng mata kong makakita ng hinde ko naman dapat makita.kung may bagay man siguro akong kinaaasaran,yun ay pag nakakakita ako ng injustice sa paligid ko. lalo na kung sakin ngyari yung injustice na yun. titigilan ko muna ang kwento sa nakaraan, dito muna tayo sa kasalukuyan. dahil mabuti akong anak,lol lagi akong runner ni mamu pag magpapadala sia sa pilipinas which is 3 times a week or more pa.adik kase sa resibo si mama.kaya suki na kame ng western union at dbp. (promotion toh,dapat bayaran ako hehe) .ayus lang sakin kung sa dbp,mga pards ko ang andun kaso banas ako pag western. lalo na pag sa worldwide. nung martes sa western ako inutusan kase daw me libreng t shirt dun na may mukha ni vic sotto. nanggaling pako ng cozway bay pero talagang gnawa ko yung utos kase pag dko naiuwe si bossing ke mamu,bungangaan na naman ako. hinde nia idol si vic,nagkataon lang na mahilig si mama sa freebies.nung nasa pila na kame,nabakante yung isangg pila kaya pinauna ako ng amerikano. kasarap ng ngiti ko sa kanya dahil bibihira na ang mga gentlemen sa mundo.  extinct na yata. kaso yung hitad na clerk or whatever ng western pinipilit na paunahin ko daw yung kano. pinagtanggol pako ng amerikano na nauna akong dumating sa kanya. hinde ko alam kung ano yung purpose ng babae,siguro nagpapakyut ang gaga. pero isang malaking kagaguhan ang ginawa nia. pinakita lang niya kung pano apakan ng isang pilipino ang kapwa pilipino sa harap ng isang banyaga. hinde ko rin siya masisi, sa tagal ba nating sinakop ng ibat ibang banyaga, malamang mag kiss ass talaga siya pero hellur 2011 na teh. uso na ang salitang equality. at ano naman angh kaibahan ng pera namin ng kano. parehas lang na mabaho. sa sobrang inis ko sinabihan ko yung gaga ng "whatever loser!". tumawa yung banyaga. hinde ko talaga maintindhan ang style na yan ng ibang pilipino. may mga banyagang racist at inaapi lang tayo pero wala tayong ginagawa. kung pati ba naman kapwa mo pilipino,idadown mo,lintek ka! go home and plant kamote! sana mabago ang style na yan, pero mahirap umasa..hinde na ako magreremit dun..kahit 10 tshirt pa ang libre...

Thursday, June 9, 2011

pangatlong hirit.

itutuloy ko naman ang kwento ngayun nung himalang pumasa ako ng second year dahil hinde ako nagdrop..talaga sigurong minamalas ako nung mga panahong yun at ang adviser ko na naman nun ay isa ring bits na hinde makamove on sa nakaraan nia. lagi nia kase kwinkwento na nagnursing daw sia nun.oh well newsflash teacher ka,nde nurse. hinde rin kame naging magbestpren ni mrs. rabong. sa katunayan minarkahan nia ang card ko ng most delinquent student dahil panay ang absent ko nun. hinde mo rin naman ako masisisi dahil napakaboring niya magturo. binabasa lang ang nasa libro,eh di mas ok  umuwe nalang kame at sa bahay magbasa,mas komportable pa.lol.tska dahil umaasenso na kame nun, me tv na kame. yeah beybi naadik ako sa tv. in fairness discovery channel at myx lang ang pinapanood ko.iam sosyal like that u know.hihi. mataas na ang grade ko sa math nun dahil si sir milet na ang teacher na siya ring adviser namin sa cocc nung 3rd year. kyot si sir milet,me dimple sa taas ng cheeks at laging mukhang lasing kahit hinde naman. hehe.pero dahil sa biology ni mrs rabong, wala pa din. muntik na naman ako magdrop hahaha..me keed. nga pala, si mrs rabong ay nireport namin ng pops ko sa principal nun,hinde dahil sakin kundi sa bunso nameng tinawag niyang pokpok sa klase. nakalimutan ata ni mrs. r ang pagiging teacher at lumabas ang ugaling kanto nia. dahil dun nagtransfer ang bunso namin sa laguna at tumaas lalo ang gastusin namen sa tuition fee.. kaya dito kita babanatan ngayun,para quits. hehe.bilang estudyante, hinde kompleto ang buhay hayskul mo kung wala kang extra curricular activity. nag apply ako nun para sa skul paper namin,kaso nde ako tinanggap kase nga hinde ako sikat. para sa isang tulad kong hilig ang pagsusulat ang lakeng dagok nun sa ego ko. wala namang kalatoy latoy ang paper namin nun,pambalot lang ng tinapa. sorry but true. kung kinokontrol mo ang naisusulat sa isang newspaper,wag nalang kayo magpaper.magtanim na lang kayo ng kamote. sinubukan ko naman ang sports. si pops ko nun ay isang dakilang softball player nung kapanahunan nia. alumni ng skul. at dahil feeling ng mga teacher nun na namana ko ang galing nya,pinagsoftball din ako. nde nila alam,isang dakilang ampaw ang kaliwang kamay ko. nung magenrol nga ako sa gym ang ratio ng strenght ng right to left hands ko ay 93:7 percent. nasa kanan lahat. siempre nde nila alam yun dahil hinde yata uso ang magtanong sa kanila. at hinde rin uso ang kumontra. pinagjabelin throw din nila ako,mga pulpol. ni hinde ko nga maibato ng tama yung bola ng softball,ipapabato nio sakin 5 kilos.kumusta naman diba? nagbasketball din ako,hilig ko talaga bball. pero gang panonood lang ako. dinaan na naman nila sa itsura porket matangkad,mataba at mukhang maton,isinali na naman ako. naging dakila akong WATERGIRL! saklap! napakaitim ko nun,ang tawag sakin nina pops,NEGRA! sa basketball ko nakasama si rhea baguno. isang tiboli,magaling,mabait at wala akong masabing negative. kaso ang mababait daw,kinukuha agad ni LORD. kaya hinde ako nagpakabait masyado. baka kunin din agad ako .hehe. namatay sia nung 2nd year kame,nadeds dahil sa sakit sa ewan,ah forgot. nagluksa ang buong skul. sino pa kaya ang nakakaalala sa kanya ngayun? gusto ko din magbago ng shop nun. ayuko talaga yung pambabaeng lutoluto,manicure pedicure at magtahi.nababaklaan ako.gusto ko magelektrician,magautomotive pero nde pumayag ang skul.diktador much? dahil hinde ko talaga hilig,yung mga project ko sa pagtatahi,pinapatahi ko sa kapitbahay namen.kaya hanggang ngayun,pati pagshoot ng sinulid sa karayom,hirap ako. oh well ayus lang dahil hinde naman ako aasenso dun.hihi natapos ang taon ko ng second year na masama ang loob. 

naranasan niyo na ba yung awayin kayo ng wala kang kasalanan? nung pers year ako,nasubukan ko yan. dahil lamang sa paniniwala ng mga gunggong sa hula hula. me klasmeyt kame nun,ara ang pangalan. buti nalang nagtransfer ang papansin nayun. me mga sinabi daw ako against sa kanya,lintek lang. sino ba siya pra pagaksayahan ko ng laway? kulang sa pansin ang gaga. at may mga alipores din siyang tatanga tanga na naniwala sa kanya. natrauma ako dun kaya nde na ako nagtiwala sa mga gagitang yun. at san na ba sila ngayun? balita ko loser pa din.pag kinakausap nga ako sa fb,hinde ko pinapansin hahaha..nagiba din ang magkakaklase nung second year na. pagdating namen ng 3rd year iba iba na. yung baby fats ko nun kalat na kalat. at bilang mataba, hinde ka talaga sisikat.. kaya nung 3rd year ako,dun nako nagpapayat. in fairness effective nman. nagkasyota ako eh.. itutuloy sa susunod na kabanata..

Wednesday, June 8, 2011

baby blues

mamu: kelan mo balak magbuntis?
me: pag nachambahan ako hahaha

-usapang seryoso muna tayo,medyo lagi nalang comedy eh.baka pagkamalan naman akong clown.sino dito me anak na? balak magkaanak at nagpalalag ng anak? raise your left foot? undecided pa rin ako sa issue ng pagkakaron ng anak. parang hinde ko ata kaya.ang dame ko kase gustong gawin sa buhay. gusto ko magtravel. gusto ko pumunta sa kuala lumpur,china,spain,singapore,kasibu,kayapa at lamut ifugao! hehe.at alam kong once naganak ako,dko n magagawa pa yung mga bagay na yun. hinde ko alam kung kaya ko bang magmahal ng iba maliban sa sarili ko.hehe.selfish much? sabi nila kusang gagana yung feelings na gustong magkabeybi. marahil bata pa ako pero mag25 nako 6 months from now pero mukha akong 21. aminin!! hahaha.. dont get me wrong pero mahilig ako sa bata,yun nga lang alam ko ding magastos ang bata at makulit ang mga bata. ayoko naman na pag nagkaanak ako eh hinde makatikim ng luho ang bebi ko.nonono! maluho si mommy,dapat ganun din si beybi.lels.san ako kukuha ng pangcollege,panguniform,pangbisyo ng magiging anak ko? isa pa dahil sa bisyo kong sigarilyo,malamang 55 wala na ako sa mundo.ah ewan bahala na. kusang mangyayari.bahala na si destiny.nga pala, i dont believe in destiny. :)

Tuesday, June 7, 2011

pangalawang hirit at si mrs. b

ohla.mustasa kalabasa? dapat tungkol sa commitment ang topic ko ngayun pero dahil hinde ko siya naisulat kagabi,nawala na sa utak ko.ang init naman kase ng weather kaya naipawis ko na rin yung tungkol sa commitment.lels.itutuloy ko na ngayun yung kwento ng hiskul layp ko.proven na toh sa lahat pero eto na ang pinakamasayang stage ng pagaaral dahil lahat dito una at exciting talaga kumpara sa elementary.hinde nga pala ako masayang grumadweyt ng elementary dahil wala akong honor pero me award ako.best in history bitses!hihihi grade 1-5 nasa honor list ako bgla grade 6 wala.pak them all..hahaha. nadaan kase sila sa donasyong coca cola. kaya nung umuwe ako at humingi sila ng donasyon,kunwari wala akong nakitang sulat! bwahahaha!leche lang lels.nung pers year ako ang adviser namin ay si mrs. b. papangalanan ko siyang b kase bits siya.capital BITS! hehe.joke lang.umiiwas lang ako sa demanda. madelete ko nga mamaya sa pesbuk yun.nabanggit ko na bang matalino ako? oh well halata naman di ba. pakyu walang kokontra dahil pananaw ko toh,wapakels pipol.competetive ako nun,pero nasira ang diskarte ko kase nabigyan ako ng grade na 84. something na hinde pwedeng iround to 85 sa math. si mrs. b ang teacher. d pa lang niya ginawang 75 dahil parang ganun na din ang dating sa akin. sa skul kase namen,sosyal! pag nagkagrade ka ng mababa sa 85,hinde ka na pwede sa honor.dafuq. unfair diba.ang chismis kase samin nun,me past sila ng aking pops,sakin naghiganti si mrs. b pero hearsay lang yun ha. pero malamang totoo kase naghiganti din siya sa mga kapatid ko.hahaha..dahil 84. something na hinde pwedeng i85 ang grade ko,sira na ang whole year ko at whole highskul layp ko. sama ng loob ko nun. nagdrop tuloy ako kaya eto isa na akong taong grasa. loljoke lang. di naman ako nagdrop pero nawalan lang ng gana.dun narin nagumpisa ang hatred ko sa math, at dinala ko yata ang sumpa ng matematiks hanggang college.paborito kong teacher nun si madam DULAY. oh yes me pangalan kase close kame. parehas kase kaming mataba nun kaya ang tuwa ng sikmura ko pag klase na namin ng pilipino. lagi kase siyang me bentang yema at stick o. saya! saya! at hinde bumaba sa line of 9 ang grade ko sa pilipino ever sa kanya. heller pilipino ako,pinakamadaling subject na yun. dumble lang ang bumabagsak sa pilipino o kaya me personal na galit din yung teacher sayo.
ang pe teacher ko naman nun, si sir sadueste. hinde ko alam kung pano siya naging pe teacher dahil wala sa hilatsa ng pagmumukha niya ang salitang excercise.kagaguhan ang pe namin nun,kaya pumasok ako ng choir. hinde dahil gusto kong ibalandra ang mukha ko sa stage tuwing me program kundi para makaiwas lang sa gumigiling giling na excercise. yaks! kadiri to dedz! hinde ko na maalala yung ibang klasmeyt ko nung highskul pers year dahil di kame close o kaya sila yung tipong nagaral,pumasok at grumadweyt.  meron namang mga tumatak sa utak ko na pag naalala ko hangang ngayun,its either natatawa ako or nandidiri.hahaha. isa na rito si vivian. isnag tiboli pero hinde pa sure. accdg to statistiks nung elementary, tiboli talaga siya,nagkadyowa pa yata ng gurlats. naging prenx din kame. kaso hinde natuloy ang frenship namen kase nakakilala siya ng pogi. nag asawa agad ang gaga,balita ko dalawa na ang anak niya nung college kame. baka ngayun 7 na dahil hinde pa naipapasa ang RH BILL! huli ko siyang nakita nung me piknik kame nung 3rd year. nakaFink na siya at highhills pero nakabackpack pa din. hahaha! sayang si vivian,isa kaseng atleta.mabilis tumakbo kaso naiba yung track niya. imbes patungo sa pagaaral,lumiko napunta sa pagaasawa.nalast flight. taga palengke nga pala yung napangasawa niya. kids ayus lang lumandi landi kahit grade 1 ka palang basta wag muna iall the way,ok! sa susunod na lang yung tuloy..sumakit ang batok ko..highblood na ata ako pipol...ta'ta!

Monday, June 6, 2011

unang hirit!

eto ang virgin post ko. dahil una! obvious? well nahilo lang naman ako sa paggawa nito dahil sa walanjong  google translate. mahirap talaga ang una!  dito ko ilalabas lahat ng naglalaro sa utak kong namamahinga lamang kapag akoy tulog.rated pg ang andito. ang dasal ko lang wala sanang maligaw ba na utak ipis o yung taong makitid ang utak dito. sana may maligaw man lang na isang mambabasa. karamihan ng ipopost ko tagalog maliban lang guro pag trip ko magingles. at wag na wag nio akong lalaitin sa grammers ko at spelling dahil mahina ako dun.pinapangunahan ko na.may ikwekwento ako..


uumpisahan ko nung highschool, dahil hinde ko pa maalala sa ngayun ang mga katarantaduhan ko nung elementary. wala naman yata dahil ideal pupil ako nun. IDEAL! BIG WORD! hihi. nagaral ako sa lab school. laboratory school at hinde LOVE SCHOOL.  public school ito pero d best. kung pamimiliin ako kung private o eto,dito pa rin ako. ang dame ko yatang natutunan dito, isa na yung pagbili ng kung ano ano tulad ng bandana,hairclip,qtex sa teacher ko sa PMA subject.PEDICURE,MANICURE,AGKULOT! hinde ko alam kung ano significance ng pagtanggal ng cuticle,dry skin sa kuko nun pero no choice,kasama sa curricullum.(tama ba spelling?). nung first year ako ang tawag sa section namin 1 wisdom! yeah WISDOM! BIG WORD AGAIN!  eto yung pinagsama samang top 50 sa entrance exam. no. 3 ata ako nun. d ako sure pero basta no. 3 ako. period.pwera erase. korekted by! hinde ko alam kung pano nasali sa top 50 yung iba dahil hinde halata. iba ibang klase ng pupil na naging estudyante. dito na maguumpisang malaman kung sino ka talaga sa highschool. dito maguumpisang maglagay ng marka.iba ibang ugali,pinagsama sama sa isang room na iisa ang elektrikfan. hellur public nga diba.parang palengke. may bakla,tomboy,lalake,babae at mukhang lalake.ako yun your honor! lels. ninerbyos ata ako nun dahil hinde ko na maalala kung ginawa ba namin yung introduce yourself in front! siguro oo,siguro hinde...basta masayang mahirap kase nga una...parang virgin din..nadala ko yata sa highskul yung pagiging ideal.well sa unang araw lang. kompleto bagong bag,notebook na artista ang cover,ballpen na pilot color black,blue and red at isang pad ng paper. after two weeks isa na din ako sa nanghihingi ng papel pag exam. nasa abroad na kase si mamitah ko nun. tsaka ko na ikwekwento kung pano lumaki ang isang panganay na nasa malayo ang nanay. drumuh na kase yun.baka maiyak kayo.mabalik tayo sa skul. naalala ko kanina lang ,sa sobrang ingay ng klase sinigawan ko yata sila. dun na namarka ang aking pasensya napakaikli. mahilig akong manigaw hohoho.. at yun siguro ang dahilan kung bakit ako hinde naging sikat.. sa first year palang yan,sisikat din ako! artista eh..lels.tutuloy ko pag may oras ang kwento...matutulog muna ako...