Thursday, June 9, 2011

pangatlong hirit.

itutuloy ko naman ang kwento ngayun nung himalang pumasa ako ng second year dahil hinde ako nagdrop..talaga sigurong minamalas ako nung mga panahong yun at ang adviser ko na naman nun ay isa ring bits na hinde makamove on sa nakaraan nia. lagi nia kase kwinkwento na nagnursing daw sia nun.oh well newsflash teacher ka,nde nurse. hinde rin kame naging magbestpren ni mrs. rabong. sa katunayan minarkahan nia ang card ko ng most delinquent student dahil panay ang absent ko nun. hinde mo rin naman ako masisisi dahil napakaboring niya magturo. binabasa lang ang nasa libro,eh di mas ok  umuwe nalang kame at sa bahay magbasa,mas komportable pa.lol.tska dahil umaasenso na kame nun, me tv na kame. yeah beybi naadik ako sa tv. in fairness discovery channel at myx lang ang pinapanood ko.iam sosyal like that u know.hihi. mataas na ang grade ko sa math nun dahil si sir milet na ang teacher na siya ring adviser namin sa cocc nung 3rd year. kyot si sir milet,me dimple sa taas ng cheeks at laging mukhang lasing kahit hinde naman. hehe.pero dahil sa biology ni mrs rabong, wala pa din. muntik na naman ako magdrop hahaha..me keed. nga pala, si mrs rabong ay nireport namin ng pops ko sa principal nun,hinde dahil sakin kundi sa bunso nameng tinawag niyang pokpok sa klase. nakalimutan ata ni mrs. r ang pagiging teacher at lumabas ang ugaling kanto nia. dahil dun nagtransfer ang bunso namin sa laguna at tumaas lalo ang gastusin namen sa tuition fee.. kaya dito kita babanatan ngayun,para quits. hehe.bilang estudyante, hinde kompleto ang buhay hayskul mo kung wala kang extra curricular activity. nag apply ako nun para sa skul paper namin,kaso nde ako tinanggap kase nga hinde ako sikat. para sa isang tulad kong hilig ang pagsusulat ang lakeng dagok nun sa ego ko. wala namang kalatoy latoy ang paper namin nun,pambalot lang ng tinapa. sorry but true. kung kinokontrol mo ang naisusulat sa isang newspaper,wag nalang kayo magpaper.magtanim na lang kayo ng kamote. sinubukan ko naman ang sports. si pops ko nun ay isang dakilang softball player nung kapanahunan nia. alumni ng skul. at dahil feeling ng mga teacher nun na namana ko ang galing nya,pinagsoftball din ako. nde nila alam,isang dakilang ampaw ang kaliwang kamay ko. nung magenrol nga ako sa gym ang ratio ng strenght ng right to left hands ko ay 93:7 percent. nasa kanan lahat. siempre nde nila alam yun dahil hinde yata uso ang magtanong sa kanila. at hinde rin uso ang kumontra. pinagjabelin throw din nila ako,mga pulpol. ni hinde ko nga maibato ng tama yung bola ng softball,ipapabato nio sakin 5 kilos.kumusta naman diba? nagbasketball din ako,hilig ko talaga bball. pero gang panonood lang ako. dinaan na naman nila sa itsura porket matangkad,mataba at mukhang maton,isinali na naman ako. naging dakila akong WATERGIRL! saklap! napakaitim ko nun,ang tawag sakin nina pops,NEGRA! sa basketball ko nakasama si rhea baguno. isang tiboli,magaling,mabait at wala akong masabing negative. kaso ang mababait daw,kinukuha agad ni LORD. kaya hinde ako nagpakabait masyado. baka kunin din agad ako .hehe. namatay sia nung 2nd year kame,nadeds dahil sa sakit sa ewan,ah forgot. nagluksa ang buong skul. sino pa kaya ang nakakaalala sa kanya ngayun? gusto ko din magbago ng shop nun. ayuko talaga yung pambabaeng lutoluto,manicure pedicure at magtahi.nababaklaan ako.gusto ko magelektrician,magautomotive pero nde pumayag ang skul.diktador much? dahil hinde ko talaga hilig,yung mga project ko sa pagtatahi,pinapatahi ko sa kapitbahay namen.kaya hanggang ngayun,pati pagshoot ng sinulid sa karayom,hirap ako. oh well ayus lang dahil hinde naman ako aasenso dun.hihi natapos ang taon ko ng second year na masama ang loob. 

naranasan niyo na ba yung awayin kayo ng wala kang kasalanan? nung pers year ako,nasubukan ko yan. dahil lamang sa paniniwala ng mga gunggong sa hula hula. me klasmeyt kame nun,ara ang pangalan. buti nalang nagtransfer ang papansin nayun. me mga sinabi daw ako against sa kanya,lintek lang. sino ba siya pra pagaksayahan ko ng laway? kulang sa pansin ang gaga. at may mga alipores din siyang tatanga tanga na naniwala sa kanya. natrauma ako dun kaya nde na ako nagtiwala sa mga gagitang yun. at san na ba sila ngayun? balita ko loser pa din.pag kinakausap nga ako sa fb,hinde ko pinapansin hahaha..nagiba din ang magkakaklase nung second year na. pagdating namen ng 3rd year iba iba na. yung baby fats ko nun kalat na kalat. at bilang mataba, hinde ka talaga sisikat.. kaya nung 3rd year ako,dun nako nagpapayat. in fairness effective nman. nagkasyota ako eh.. itutuloy sa susunod na kabanata..

No comments:

Post a Comment