Thursday, July 21, 2011

walang title kase walang gana

nagstalker mode na naman ako kanina sa pesbuk. inistalk ko yung mga nangiistalk saking mga stalker ko. non sense di ba. hehe. gusto ko kaseng malaman kung nandun pa rin yung pakiramdam na natutuwang naiinis ako sa kanila,akshuli sa nanay ng bb ko yun at sa ex niyang chaka doll.lels. mabuhay pilipins dahil wala nakong maramdaman kundi wala lang. bagot na bagot pa nga ako dahil nakakabagot naman talaga ang pagkatao nila. dati rati tuwang tuwa ako sa kajologsan nila at super dame ng tawa ko sa mga drama nila. dati me silbi pa sila sa mundo ko. ang maging clown pero ngayun wala na.nakakasawa din pala. bigla ko naisip na nawalan na naman ako ng isang bagay na gagawin. nabawasan na naman ang aking kagaguhan. 


napakastagnant ng buhay ko ngayun pero masaya naman. nabibili ko gusto ko,nakakatulog naman ako ng 3 oras sa isang araw. pakshet lang noh,dapat sana walo pero nagtampo na yata talaga sakin ang tulog.nakakakain ako 5 times a day,pwera pa midniyt snack at nagagawa ko pa rin naman gusto ko. yun nga lang,wala nakong ganang gawin yung mga bagay na dati gustong gusto kong gawin. hinde na nga ako nakakapag salt bath.hehe.akshuli nawawalan na rin ako ng ganang magkwento...itutuloy ko nalang pag ginanahan nako...

Friday, July 8, 2011

minsan may isang puta

diko mapigilang tumitig sa salamin.hinde ko na kilala ang taong nakatitig pabalik sa akin. makapal ang make up at animoy dugo ang pula ng mga labi.unti unting pumatak ang mga luhang pinilit kong pigilin.hinde ako yan! hinde ako yan! pilit na sinisigaw ng aking puso.ngunit ang utak koy tumatawang nakakaloko.ikaw yan! matagal ng ikaw yan! pinikit ko ang mga mata at kusang dumaloy ang alaala.mga ala alang nagpapanatili sa aking katinuan.simple lamang ako noon.isang babaeng tagabaryo.simple ang buhay at mababaw ang kaligayahan.ang pangarap ko lamang ay magkaron ng simple at masayang pamilya kasama ng aking kasintahang si kiko.ngunit sadya yatang mapagbiro ang tadhana, sa araw ng aming kasal may isang taong hinde nakadalo.ang aking mapapangasawa,si kiko. halos panawan ako ng ulirat ng mga panahong iyon. hinde ko alam kung panong ngyari yun. pinilit kong puntahan siya at tanungin.ngunit siya ay wala na,nakipagtanan sa iba.wala akong nagawa kundi ang lumuha sa sobrang sakit at kahihiyan. sa tuwing lalabas ako ng bahay,nararamdaman ko ang titig ng mga taong naaawa at ang iba ay nanghuhusga.siguro daw nasa akin ang problema kaya ngyari yun.ako ang babaeng iniwan sa dambana.ayoko ng awa at panglilibak. ang kailangan ko tulong..tulong para makabangong muli sa pinagsadlakan sakin ni kiko.nagkasakit ang aking ama sa sobrang kahihiyan,nangailangan kame ng malaking halaga. may dumating na pagkakataon. isang recruiter na nagsabing dadalhin kame sa hongkong para maging waitress.nabuhayan ako ng loob.sa wakas sabi ko sa aking sarili. malalayo ako sa mapanlibak na tingin ng mga tao at maipapagamot ko ang aking ama. sadya yatang pag kinapitan ng malas ang tao ay mahirap ng tanggalin. ang inakala kong magliligtas sakin,ay isa palang demonyo. demonyong nagsadlak sa kinalalagyan ko ngayun. ang pagwawaitress ay isang malaking kalokohan bagkus ito pala ay pagpuputa. nung una halos masuka ako gabi gabi pag akoy hinihipuan ng mga manyakis na walang bait sa sarili. sino naman ang taong matinong magbabayad ng puta para sa panandaliang aliw.iba ibang kostumer gabi gabi,ibat ibang hayup ang pumapasok saking katawan ngunit wala akong magawa.hawak pala kame ng sindikato. hinde ako makaalis,hinde makatakas hanggang natanggap ko na ring ito ang aking kapalaran. ang pakiramdam ko hinde ko na maisasalba ang aking sarili,lasog lasog na mula sa mga hayup kong kostumer. dun ko nakilala ang droga. drogang nagpapamanhid sakin at naghihiwalay ng aking katawan sa aking kalulwa. wala na akong maramdaman. ordinaryo na lang ang pakiramdam ko kapag ako'y kinakama. mas madameng kostumer,mas madameng kwarta. mas matutuwa silang nasa pilipinas..hinde nila alam ang aking kinasadlakan. natatakot akong mandiri lang sila,matakot at akoy ikahiya.heto ako ngayun nakakatitig sa salamin,pilit inaaninag ang dating ako. ngunit hinde ko na maalala,parang patay na nalibing at hinde na pwedeng mabuhay. o siya kelangan ko ng lumarga.kelangan kong kumita,magbenta ng katawang wala ng kaluluwa.


-isang masaklap na katotohanan dito sa hongkong.gawa gawa lamang ng aking malikot na utak ang babaeng nasa kwento ngunit sinasalamin niya kung anong ano ang ngyayari.nakakahiya man,marameng pilipina dito ang nagpuputa. anu man ang dahilan nila,hinde ko na malalaman.pero anjan sila, at sana dumating ang araw na mawala sila dahil hinde na sila puta kundi mga
babaeng marangal ang trabaho.

Saturday, July 2, 2011

kwentong kabit (fiction)

magkasama na naman kame kanina.sobrang saya ko.nahawakan ko na naman siya,nayakap at nakaulayaw sa maliit na kwarto.dalawang oras lang yun pero sobrang ligaya ang nararamdaman ko pag kami ay nagkikita. sa loob ng dalawang oras nagawa naming kumain,magkwntuhan at alam niyo na. ganun yata talaga,laging nagmamadali. laging bitin ang oras at animo ay napakabilis. ganun yata talaga ang maging pangalawa..
kabit lang ako ni edong.may asawa na siya at mga anak.nung una ay hinde ko alam. nagkakilala kame sa pinagtratrabahuan kong burger joint sa may tapat ng shell,malapit sa paradahan ng trycicle.trycicle driver si edong at lagi siyang nagmemeryenda ng burger. buy one take one kase samin. hinde ko siya napapansin dahil me crush din ako noon na driver. kaso nalaman ko may pamilya na pala. minsan nagnightshift ako.napakaboring ng panggabi,madame pang lamok pero me sakit daw yung kasama ko kaya ako muna pumalit.nung pauwe na ako,pumara ako ng trycicle. si edong yung driver. nakalimutan ko pala yung pitaka ko. wala akong pamasahe. mabuti nalang hinde na ako siningil ni edong.
dun nagumpisa ang pagiging magkaibigan namin.mas ginusto ko na din ang night shift dahil laging andun si edong. lagi nagkwekwentuhan kame,at pag umoorder siya dinadagdagan ko ng coleslow at ketchup. me bayad kase samin yung extra ketchup at coleslow. libre na yung kay edong.
namalayan ko nalang na nahuhulog ang loob ko kay edong.gabi gabi nia akong hinahatid.napakasaya ko.minsan nasiraan kame ng trycicle sa malapit sa tulay.at dun nagkaaminan kame ng nararamdaman.me ngyari samin sa loob ng trycicle.
pagkatapos nun,hinde ko na nakita si edong. sobrang nasaktan ako at sobrang namiss ko siya. isang araw nakita ko siya sa simbahan me kasama. yung asawat anak niya. iyak ako ng iyak.nakita din ako ni edong pero hinde niya ako hinabol. kinabukasan nagpunta siya sa burger stand. nagpaliwanag.dahil mahal ko siya wala akong nagawa kundi tanggapin siyang muli sa aking buhay..
jan ako nagumpisang maging kabit..2 beses isang linggo nagkakasma kame,minsan isa lang kase wala siyang pasada..nasasaktan ako pero nakakalimutan ko ang sakit pag kasama ko na siya..
hinde ko alam kung hanggang kailang kame ganito..basta ang mahalaga yung ngayun,tsaka ko na iisipin ang bukas..maghihiwalay na naman kame at maghihintay na naman ako ng susunod na linggo..


-fiction lang toh dahil sinasabaw yung utak ko-

Sunday, June 26, 2011

sinong galit?

kung ibabase mo ang pagkatao ko sa nababasa mo sa pesbuk ko,malamang sasabihin mong palaaway akong tao. puro kase kabullshitan pinagpopost kong status at karamihan dun hinde naman relate sakin. yung mga nakikita ko lang sa paligid at reyalidad ng buhay. kung sa personal na buhay naman ,boring ang buhay ko.boring dahil wala akong kaaway. kadalasan kase wala akong pakialam at hinde ako nambabasag ng trip. gusto niong magadik,sige lang basta wag kayong hihingi sakin ng pandrugs.gusto niyong maging alkoholic sige lang,basta yayain niyo ako pag inuman. hehehe may mga nangaaway pero hinde ko pinatulan. ayoko kaseng magsayang ng laway lels.kadalasan kase hinde ako nakikipagpalengkera pero i  revenge hihi. ninja ako eh,i hide in my enemy shadow then attack.hahaha jk.

may nakaaway din ako minsan dahil sinaniban ako ng masamang espiritu ng alcohol. kids wag kayong iinom pag badtrip kayo dahil lalo lang kayong mababadtrip at ang ending disaster. hinde ako proud sa ginawa ko pero  natutuwa akong nasaktan ko ang hinayufak na  babaeng sumira ng gabi ko. pinamili ko naman sila nung moment na solb na solb ako sa alak,kung titigilan nila ako o magwawala ako. mas pinili nila yung magwala ako hahaha. nung gabing yun nakilala ko din kung sino talaga ang mga kaibigan ko. unfortunately dalawa lang ang totoo,d rest mga plastik . sila yung mga tipong hinihintay lang na magkamali ako para pare parehas kameng maging miserable kaya delete silang lahat sa buhay ko.  kids payo ulit,wag kayong matakot sa mga kaaway niyong umaatake ng harapan. matakot kayo sa mga hunyangong kaibigan na yumayakap at bumebeso sa inyo pero ginagago kayo sa likuran. mas mapanganib sila.

mabibilang ko sa daliri yung masasabi kong galit sakin dahil pinaobvious nila masyadong galit talaga sila .bwahaha. una na rito yung nanay ng syota ko. hinde kame magkakilala,akshuli wala din akong interes sa kanya.sa anak lang nia ako intresado hihi.pero siya super katarantaduhan sa araw araw niang pagpepesbuk ang ginawa sakin. wala naman akong comment. lels. hinde kase ako pumapatol sa matanda,dahil alam kong tatanda din ako.  ang pagpatol sa baliw ay kabaliwan din. kung trip nilang maging bastos,sige lang.me gmrc ako eh. from grade 1 to highskul kaya hinde ko sila ginaya.at nakakatamad makipagaway sa mga ganung tao. sayang laway and not worthy of my time. siempre isama na din natin yung ex ng syota ko na bff ng nanay niya. hinde makamove on kase chaka. kadame na niyang lalake,hinde ko magets kung bat nangugulo pa. oa much? pwede ko rin siyang patulan,akshuli me hawak akong nude photos niya at sex scandal. pwede ko siyang inow showing anytime pero mabait akong tao.   wag lang nila akong kakantiin dahil op cors tao lang. baka magalit ako at hinde nila magugustuhan. gurls konting payo, wag kayong magpapapixure sa syota nio ng nakahubad at ipavideo ang kalibugan niyo dahil babalik at babalik yan sa inyo. konting respeto sa sarili.k.

hinde ko alam kung sino pa me galit sakin. wala na din naman akong pakialam. basta alam ko sa sarili kong wala akong ginawang masama,sariling demonyo nio na yun. sino pa nga ba galit sakin? umamin na kayo.mehehe

Thursday, June 23, 2011

sandwich,kalendaryo at alak. (wala lang akong maititle!)

hwebes na pala ngayun,ang bilis ng araw lalo na sa tulad kong hinde tumitingin sa kalendaryo. hinde dahil wala kameng kalendaryo pero nabuburyang ako lalo at kinakating umuwe ng pinas pag nakikita ko ang kalendaryo. pumapayat ako at ang masaklap hinde ako nagdadiet. dalawa lang naman ang dahilan kung bakit pumapayat ang tao. its either on diet or dying dahil sa sakit. hinde ako on diet ngayun,kain pa ako ng kain. kanina nga gumawa ako ng sandwich meryenda,and dameng bree cheese at ham. nilagyan ko pa ng butter at mayonaise. isang libo mahigit na calories at naubos ko lang yun sa pitong kagat.sorop!  siguro nasstress ako o kung ano mang dahilan ng pagbagsak ng kilo ko sa timbangan eh bahala na si batman. sana lang sira yung timbangan. yun na lang iniisip ko. siempre kasama sa pagpayat ng hinde naman tama ang kachakahan. chumachaka din ako. yung eyebags ko,wagas ang laki at itim. minsan me bilbil pa.  kulang siguro ako sa tulog,isang linggo na kase akong alastres ng madaling araw matulog at wala nako afternoon nap. buhay tumatanda nga naman,nakakashit.

nakakamiss maging teenager. walang problema at konti responsibilidad. at kahit papano pag pumapalpak me valid reason na "bata pa kase ako!" pero ngayun parang nakakahiya ng magkamali. bawat desisyon ko,siguradong ako din ang aani. wala akong problema sa peRa,sa pamilya o sa trabaho. ferfect kumbaga. pero sa lablayp malake.hinde ko alam kung bakit laging palpak. masaya naman kame yun nga lang hinde niya ako maintindihan. hinde niya matanggap kung ano ako at kung sino ako. dafaq di ba?parang dramara sa hapon ng gma. gahh ayoko nalang ikwento. ang sagwa lang kase magkwento ng lablayp na malungkot. hinde kase uso ang malungkot sakin.hehe. sabi nga nung isang fren ko sa pesbuk na hinde ko alam kung bakit ko naging pren kase hinde ko pa siya nakikita sa personal.metal ako! metal! trolll

wala lang siguro akong maisulat sa ngayun, kase pati sandwich sinusulat ko na..gusto ko mang pagusapan natin ang pilipinas,wag na muna.. nakakainit lang ng ulo.. at sabi nga nila wala akong karapang magreklamo.dahil ni minsan hinde pa ako bumoto.. pano ko boboto eh nasa hongkong ako at hinde pa ako rehistrado.. hehehe kung ayaw madame talaga pwedeng idahilan. ayoko lang bumoto,dahil nakakainit ng ulo magparehistro at wala namang sense yung mga tumatakbo para sa gobyerno. sayang lang effort.

hinde ko pa naibebenta d90 ko..walang gustong bumili pakshet.mga hampaslupa! lol joke lang. kelangan ko lang mabenta bago maglunes para makapagupgrade ako. pag hinde eh malamang bili nalang ako bago lens. sana makasakay ng barko yung kapatid ko at hihiritan ko siya ng pinakamahal na camera. second year palang siya.hehehe. magdedebut na rin yung bunso namin sa august at siempre uuwe si mother. gagastos ng libo libo para sa isang gabing pagpapasikat.pero deserve ni bunso namen siguro yun kase sabi ni mama wala pa siyang maayus na bertdey.k!  hinde kase ako nagdebut ng ganun kabongga. ang debut ko lang nun bumaha ng alak at ni hinde man lang ako nalasing..

sa usapang lasing naman,lagi ako napgkakamalang lasing kahit hinde pako nakakainom. namana ko sa papitoh ko yung ganung mukha. ang advantage lang pag tinatamad ako uminom at nasa bar ako,pwede ako magkunwaring lasing para makachansing,hehe. ang masaklap napagkakamalan akong lasengga. hinde kame bestpren ng alak. ayoko sa redhorse at beer. nasususka ako sa amoy at hinde talaga masarap. ayus pa ko sa gin bulag at hard drinks. mabibilang sa daliri yung pagkakataong nalasing ako. at ung mga pagkakataong yun ay nakakahiya hahaha. tsaka ko na ikwekwento ulit..nabitin ako sa sandwich..gawa pako isa..

Tuesday, June 14, 2011

ingles!

some people criticize me for not wanting a child of my own without asking the real reason. humans are just to quick to judge. they call me selfish,cold hearted bitch. i cant blame them,with our culture where a woman is expected to conceive a child. its not ordinary. i grew up without my mother by my side. it doesn't mean i love her less,but i love her more for her sacrifices. its hard for both sides but i understand at a young age that its for our future.  she left us for work when i was 8 years old leaving me with my siblings and my father. my father is a good man but he is a man, a mothers care is still different. having no mom to attend to our needs is hard not just for me but for my brother and sister who is just 2 years old that time,a baby. i need to stop playing and grow up fast for them. i forgot about me and i think of them most of the time. our relatives were fucked up individuals who kiss arse those who have money. unfortunately we didn't have any money so they didn't bother to help us,they even mock us being the least favorite. at 9, i was already a mother to our family. while other kids are playing, i was bc preparing dinner. my father needs to work to make ends meet so i was the one who mind our home and my siblings. even my mother send us some money,still aint enough for our expenses. ive tried goin to  school without any baon because my brother needs it more than me and my uniform crumpled bec. i have no more time left to iron. one stupid teacher lectured me for not ironing my uniform when she knows that i didn't have my mother with me. i was fuckin 9 that time,bc with my family and she expects me to iron my uniform?! my pops ask some of our relatives to wash our clothes but they demand high price. we were so poor back then but they didn't reconsider. at age 10 i hated all of my relatives mostly at my fathers side and even my siblings doesn't have any amour on them. my mother side tried to help but they live afar from us. the good thing is my siblings learn to be independent. my brother learns to cook and my sister wash the dishes. iam proud to say that the three of us can live independently. life gets better as we grow older. money talks,everybody listen. as our family income goes higher,relatives swarm to offer their so called help just when we can pay people to do things for us. too late for that help i guess.
ive come too far in explaining my side, all i want to say is iam done with motherhood. all my mother instinct were gone,i gave it all to my family..

leo at aquarius.

daan na naman tayo sa kalsada ng memory lane. iwas muna sa mga kaokrayan ngayun,ang kwekwento ko naman ay kilig moments ko nung hayskul. mas masarap ang mag ka lablayp nuon kesa ngayun. mas personal nun kesa ngayun na masyado ng digital. uso pa nun ang ligawan sa bahay,ngayun ang uso ligawan sa txt at chat. minsan nga ngayun kahit dmo pa nakikita,syota mo na..

nung patapos nako ng junior year,naconcius nako sa katawan ko.feel ko na rin kase lumandi. ayieee. hinde ko na masyado maidetalye pero shet nagkasyota ako. si LEO. kaklase ko at hinde ko akalain na magiging kame. hinde siya kagwapuhan pero may appeal. siempre pagtatangol ko taste ko,hinde ako water na tasteless ya know. magaling siya maggitara which is d main reason kung bat ko siya nagustuhan. weakness ko talaga ang mahilig sa musika. nung kapanahunan namin, uso ang novena every wednesday. at dahil sa mababait ako napasama nun,nakiuso ako. sumasama na din ako sa novena at isinama ko si leo kase nga hinde siya naniniwala sa katoliko. me pagkaatheist ang loko. nagsimula sa hatid sa bahay,sa walkathon kung saan saan ,ligawn blues at kaboom kame na. november 5 ba o october 5? lol.madalas siya dumalaw sa bahay na kung ano ano ang dala kaya siya nagustuhan nina pops.  naging masaya naman kame ni leo,madaming moments sa loob ng 3 weeks. oh yeah 3 weeks lang kame officialy. mas mahaba pa yung taym ng ligawan kesa sa nung naging kame. madame akong natutunan sa kanya,natuto ako maggitara,kumanta at magskate board. at ang pinakaimportante hinde nako naguluhan kung ano ba talaga gusto ko,babae ba o lalake. medyo naguguluhan pa kase ako nun. loljoke lang. lagi niya akong tinatanong nun kung bakit ako lagi may chewing gum,binobombahan ko lang daw ng hangin yung tyan ko. heller siempre dapat laging handa. baka kase magperskiss kame eh dyahe naman di ba.aheks. siya ang pers kiss ko at pers hug. yess hanggang dun lang. maaga naman masyado ang hayskul para magpajerjer d ba? dpa ganun kalandi ang generation namin,ngayun grade 6 palang di na birgen.omagas.mabait si leo,pero ako ang hinde mabait.nakipagbreak ako nun ng walang rason which is sakit ko sa relasyon. hinde uso sakin ang dahilan. pag ayaw na,ayaw na. nageffort pa talaga akong makipagbreak dahil nagshot ako ng isang bote ng gin pomelo.pers taym kong uminom sa bahay nila celong,sabi kase nila nakakalakas ng loob yun kaya shot naman akong si tanga. nangyari sa trycicle,nakipagbreak ako,umiyak sia at napaiyak din ako dahil nasusuka nako dat taym. dyahe lang kung sukaan ko pa sia eh nakipagbreak na nga ako dbah. hihihi sa sobrang bait niya,sinuyo parin nia ako pagkatapos nun na umabot hanggang pers year college.iniintindi kahit nakikipagboypren nako sa iba,anjan pa rin siya. sa sobrang bait niya hinde ko siya naderecho na wala na talaga. dahil isa akong LAME  na tao nun. kase bata pa ako. lame na rason hehehe.hinde pa kase tumutubo ang balls ko nun. sweet din si leo kase nung fourth year kame balentayns day,nagbiro ako na kung sino magbibigay ng flower at sokolet syosyotain ko. binigyan nia ako may kasama pang angel na figurine. madame siya binigay sakin na ganun. wala na sakin ngayun,hiningi ng kasama namin sa bahay. hinde ko sinunod yung biro ko,kase nga biro di ba.joke eh. tsaka hinde ako nakikipagbalikan sa ex ko. hayskul pa lang ako motto ko na yan. ang ex ay ex. hinde binabalikan ang bagay na sira na.

naghiwalay kame ng skul nung college pero binibisita pa rin niya ako sa boarding house nmen nun. may dala siyang alak at sokolet. perfect combination.hihi try niyo emperador brandy o kahit anong brandy,coke na chiser at sokolet na pulutan.sorrooppp! natuto pa ata siyang magbisyo dahil sakin.iam so bad. nagkagalit lang kame nung sumulat siya sakin na parang humihingi ng kapalit sa mga nagawa nia at binigay para sakin. dahil sa kakitiran ng utak ko,nagalit ako. hinde ko naisip na pinaasa ko na pala sia sa patuloy kong pakikisama sa kanya. hahatid dapat nia ako sa skul nun kaso mas pinili kong sumama sa ex ko din dat taym. naawa ako sa kanya habang pasakay sa motor ni deon pero mas ok na din yun kesa magpatuloy pa. kasalanan ko. aaminin ko yun.at hanggang ngayun di pa ako nagsosori.lol kaya kids wag magpaasa. hinde cool.

nagkasyota na rin siya that taym. ang alam ko inagaw niya yun kay one na klasmeyt/barkada din namin. hahaha. akala ko naman all is well na. kahit hinde man kame naguusap at list masaya na siya diba. lagi ko sila nakakasalubong o kaya nakikita. ang alam ko nga nun bulag yung gelpren nia.lagi kaseng nakahawak sa braso ni leo,akala mo mawawala at hinde nkikita dadaanan. hinde naman pala bulag hahaha.joke lng.nagkayayaang uminom nun ang tropa sa bahay. kasama sila ng syota nia na misis na nia ngayun. natuwa ako kase all is well na talaga kaso nung nagnonomo na,napansin kong txt sila ng txt ng isang pren ko. mahilig kase akong magobserba.hiniram ko ngayun ang phone ni pren at pinakialaman,ako pala pinaguusapan nila. uminit na naman ang ulo ko tapos wala nako maalala kung ano ginawa ko..nalasing ako nun eh..yun ang huling beses na tinignan ko si leo..dahil sa inis ko sa kanya,hinde na siya nagexcist sakin.all is well naman na.balita ng mga klasmeyt ko,na nagsasabi kahit dko naman tinatanong (lol) kasal na sila at may mga anak. kengrassheleyshen. kitakits sa reunion.hihihi