Saturday, July 2, 2011

kwentong kabit (fiction)

magkasama na naman kame kanina.sobrang saya ko.nahawakan ko na naman siya,nayakap at nakaulayaw sa maliit na kwarto.dalawang oras lang yun pero sobrang ligaya ang nararamdaman ko pag kami ay nagkikita. sa loob ng dalawang oras nagawa naming kumain,magkwntuhan at alam niyo na. ganun yata talaga,laging nagmamadali. laging bitin ang oras at animo ay napakabilis. ganun yata talaga ang maging pangalawa..
kabit lang ako ni edong.may asawa na siya at mga anak.nung una ay hinde ko alam. nagkakilala kame sa pinagtratrabahuan kong burger joint sa may tapat ng shell,malapit sa paradahan ng trycicle.trycicle driver si edong at lagi siyang nagmemeryenda ng burger. buy one take one kase samin. hinde ko siya napapansin dahil me crush din ako noon na driver. kaso nalaman ko may pamilya na pala. minsan nagnightshift ako.napakaboring ng panggabi,madame pang lamok pero me sakit daw yung kasama ko kaya ako muna pumalit.nung pauwe na ako,pumara ako ng trycicle. si edong yung driver. nakalimutan ko pala yung pitaka ko. wala akong pamasahe. mabuti nalang hinde na ako siningil ni edong.
dun nagumpisa ang pagiging magkaibigan namin.mas ginusto ko na din ang night shift dahil laging andun si edong. lagi nagkwekwentuhan kame,at pag umoorder siya dinadagdagan ko ng coleslow at ketchup. me bayad kase samin yung extra ketchup at coleslow. libre na yung kay edong.
namalayan ko nalang na nahuhulog ang loob ko kay edong.gabi gabi nia akong hinahatid.napakasaya ko.minsan nasiraan kame ng trycicle sa malapit sa tulay.at dun nagkaaminan kame ng nararamdaman.me ngyari samin sa loob ng trycicle.
pagkatapos nun,hinde ko na nakita si edong. sobrang nasaktan ako at sobrang namiss ko siya. isang araw nakita ko siya sa simbahan me kasama. yung asawat anak niya. iyak ako ng iyak.nakita din ako ni edong pero hinde niya ako hinabol. kinabukasan nagpunta siya sa burger stand. nagpaliwanag.dahil mahal ko siya wala akong nagawa kundi tanggapin siyang muli sa aking buhay..
jan ako nagumpisang maging kabit..2 beses isang linggo nagkakasma kame,minsan isa lang kase wala siyang pasada..nasasaktan ako pero nakakalimutan ko ang sakit pag kasama ko na siya..
hinde ko alam kung hanggang kailang kame ganito..basta ang mahalaga yung ngayun,tsaka ko na iisipin ang bukas..maghihiwalay na naman kame at maghihintay na naman ako ng susunod na linggo..


-fiction lang toh dahil sinasabaw yung utak ko-

1 comment: