Monday, June 6, 2011

unang hirit!

eto ang virgin post ko. dahil una! obvious? well nahilo lang naman ako sa paggawa nito dahil sa walanjong  google translate. mahirap talaga ang una!  dito ko ilalabas lahat ng naglalaro sa utak kong namamahinga lamang kapag akoy tulog.rated pg ang andito. ang dasal ko lang wala sanang maligaw ba na utak ipis o yung taong makitid ang utak dito. sana may maligaw man lang na isang mambabasa. karamihan ng ipopost ko tagalog maliban lang guro pag trip ko magingles. at wag na wag nio akong lalaitin sa grammers ko at spelling dahil mahina ako dun.pinapangunahan ko na.may ikwekwento ako..


uumpisahan ko nung highschool, dahil hinde ko pa maalala sa ngayun ang mga katarantaduhan ko nung elementary. wala naman yata dahil ideal pupil ako nun. IDEAL! BIG WORD! hihi. nagaral ako sa lab school. laboratory school at hinde LOVE SCHOOL.  public school ito pero d best. kung pamimiliin ako kung private o eto,dito pa rin ako. ang dame ko yatang natutunan dito, isa na yung pagbili ng kung ano ano tulad ng bandana,hairclip,qtex sa teacher ko sa PMA subject.PEDICURE,MANICURE,AGKULOT! hinde ko alam kung ano significance ng pagtanggal ng cuticle,dry skin sa kuko nun pero no choice,kasama sa curricullum.(tama ba spelling?). nung first year ako ang tawag sa section namin 1 wisdom! yeah WISDOM! BIG WORD AGAIN!  eto yung pinagsama samang top 50 sa entrance exam. no. 3 ata ako nun. d ako sure pero basta no. 3 ako. period.pwera erase. korekted by! hinde ko alam kung pano nasali sa top 50 yung iba dahil hinde halata. iba ibang klase ng pupil na naging estudyante. dito na maguumpisang malaman kung sino ka talaga sa highschool. dito maguumpisang maglagay ng marka.iba ibang ugali,pinagsama sama sa isang room na iisa ang elektrikfan. hellur public nga diba.parang palengke. may bakla,tomboy,lalake,babae at mukhang lalake.ako yun your honor! lels. ninerbyos ata ako nun dahil hinde ko na maalala kung ginawa ba namin yung introduce yourself in front! siguro oo,siguro hinde...basta masayang mahirap kase nga una...parang virgin din..nadala ko yata sa highskul yung pagiging ideal.well sa unang araw lang. kompleto bagong bag,notebook na artista ang cover,ballpen na pilot color black,blue and red at isang pad ng paper. after two weeks isa na din ako sa nanghihingi ng papel pag exam. nasa abroad na kase si mamitah ko nun. tsaka ko na ikwekwento kung pano lumaki ang isang panganay na nasa malayo ang nanay. drumuh na kase yun.baka maiyak kayo.mabalik tayo sa skul. naalala ko kanina lang ,sa sobrang ingay ng klase sinigawan ko yata sila. dun na namarka ang aking pasensya napakaikli. mahilig akong manigaw hohoho.. at yun siguro ang dahilan kung bakit ako hinde naging sikat.. sa first year palang yan,sisikat din ako! artista eh..lels.tutuloy ko pag may oras ang kwento...matutulog muna ako...

No comments:

Post a Comment