Friday, June 10, 2011

western unyon. bullshit service,worldwide plasa edition.

kadalasan pag nasa labas ako,me sarili akong mundo sa tulong ng ipod ko. wala akong pakialam sa mga kasama kong naglalakad o kahit ano mang suot ng makakasalubong ko. hinde ko lang alam kung bakit ang bilis ng mata kong makakita ng hinde ko naman dapat makita.kung may bagay man siguro akong kinaaasaran,yun ay pag nakakakita ako ng injustice sa paligid ko. lalo na kung sakin ngyari yung injustice na yun. titigilan ko muna ang kwento sa nakaraan, dito muna tayo sa kasalukuyan. dahil mabuti akong anak,lol lagi akong runner ni mamu pag magpapadala sia sa pilipinas which is 3 times a week or more pa.adik kase sa resibo si mama.kaya suki na kame ng western union at dbp. (promotion toh,dapat bayaran ako hehe) .ayus lang sakin kung sa dbp,mga pards ko ang andun kaso banas ako pag western. lalo na pag sa worldwide. nung martes sa western ako inutusan kase daw me libreng t shirt dun na may mukha ni vic sotto. nanggaling pako ng cozway bay pero talagang gnawa ko yung utos kase pag dko naiuwe si bossing ke mamu,bungangaan na naman ako. hinde nia idol si vic,nagkataon lang na mahilig si mama sa freebies.nung nasa pila na kame,nabakante yung isangg pila kaya pinauna ako ng amerikano. kasarap ng ngiti ko sa kanya dahil bibihira na ang mga gentlemen sa mundo.  extinct na yata. kaso yung hitad na clerk or whatever ng western pinipilit na paunahin ko daw yung kano. pinagtanggol pako ng amerikano na nauna akong dumating sa kanya. hinde ko alam kung ano yung purpose ng babae,siguro nagpapakyut ang gaga. pero isang malaking kagaguhan ang ginawa nia. pinakita lang niya kung pano apakan ng isang pilipino ang kapwa pilipino sa harap ng isang banyaga. hinde ko rin siya masisi, sa tagal ba nating sinakop ng ibat ibang banyaga, malamang mag kiss ass talaga siya pero hellur 2011 na teh. uso na ang salitang equality. at ano naman angh kaibahan ng pera namin ng kano. parehas lang na mabaho. sa sobrang inis ko sinabihan ko yung gaga ng "whatever loser!". tumawa yung banyaga. hinde ko talaga maintindhan ang style na yan ng ibang pilipino. may mga banyagang racist at inaapi lang tayo pero wala tayong ginagawa. kung pati ba naman kapwa mo pilipino,idadown mo,lintek ka! go home and plant kamote! sana mabago ang style na yan, pero mahirap umasa..hinde na ako magreremit dun..kahit 10 tshirt pa ang libre...

No comments:

Post a Comment